Pang-apat na Entri: Guhit

Yung masakitin kang tao, hindi ka nakakapaglaro ng larong pinoy masyado. Kasi matamlay at madaling mapagod. Oo ako yun, mas sakit akong "Ashma" nahihirapan akong huminga at dahil diyan madalas ako'y makikita sa loob ng bahay.

Wla akong magawa sa labas, naisipan kong magsusulat at magbabasa nalang pero hindi sapat.  Naisipan kung magdrawing mula sa imanihasyon ko at pinakita ko kay mama. Sabi niya," Bakit parang aswang?".  Hindi kasi ako marunong kaya laging pinagalitan. 

Oo aminin ko, hindi ako mahilig sa pagguguhit noon, pero habang tumagal sa loob ng bahay o sa loob ng paaralan minamaayos kuna hanggang sa naging gusto na nang mga kaklase ko. Lagi nila akong binigyan ng papel hindi na nga ako makakain ng pananghalian dahil sa kanila. 

Mula noon, nakita ko na saan ako masaya. Hindi man sa sports pero sa pagdradrawing nsman pala. Hindi masyadong kagalingan pero may buhay naman. At pinagpasalamat ko ito sa Panginoon dahil dito hindi na malungkot ang buhay ko. Kahit paano may libangan ako.

Popular posts from this blog

Joy ang pangalan ko

Talumpati: Problema'y Rekados Lamang

Pangatlong Entri: Ate