Pangatlong Entri: Ate
Ako ang panganay na anak sa tatlong magkapatid. Ako'y nag-iisang babae sa aming tatlo. Sabi ng karamihang nakakabatang kapatid ay malamang kapag ate ka. Pagpahahayag pa ng isang bata na ang ate niya ay hindi inuutusan. Tamad raw at gustohin nya nlang maging ate kaysa naging bunso. Galit ang bunso sa nakakatandang kapatid niya dahil laging nag uutos sa kanya.
Sa katunayan, bilang ate ay hindi biro. Lalo na't ang magulang nito ay nagtatrabaho sa malayo at uuwi ng gawin aalis ng maaga. Lahat ng responsibilidad ng gawaing bahay ay bilin ng inay. Maging sa pagluluto, paglilinis, pagwawalis, paghuhugas ng plato, paglalaba, pagngangaso, at iba pa. Ang ate rin ang laging pinagalitan kapag may nagawang mali ang kapatid. Kapag nakabasag ng plato ipapalo ito sa kanya. Hindi biro maging ate lalo na't ngayung pandemic. Kaya paumanhin sa mga nagsasabing ang ate ay namumuhay ng matiwasay. Maging magaan lang ang trabaho kapag nagtulong tulongan. Paano kung mas masaklap pa ang ugali ng bunso kahit sa maliit na pinauutos?!
Paano kung nasanay maglalaro ng bunso at galit pa ito kapag inutusang bumili ng panakot?
Isipin nating mabuti na karapat-dapat igalang ang nakakatandang kapatid. Gayaga ng ama't ina, sila rin ang tumulong para maisalba sa kahirapan ang simpleng buhay. Bagamat marami rin silang pagkakamali pero hindi ibig sabihin na maliitin natin ang kakayahan nila. Mahalin natin ang bawat isa upang sa munting tanahan tutubo ang kaligayahan at kapayapaan.