Posts

Panghuling Entri: Hanap insperasyon!

Image
"Naku! may nagwalang tao.  "Naay naghikog"  "Nacovid!  "Wlang pasok." "Wear facemask!  "Virtual nlang daw"?! "Paano nayung trabaho ko"  "Paano na si Ex?" Ang dami kong narinig na negatibo. Nakakatakot na talaga noh? Pero huwag naman tayo mawalan ng pag asa. Makikita rin natin ang halaga o ang positibo. May mga guro tayong handa 24/7 hindi 7/11. May mga counselor tayong makakapitan wag lang mo lang pagalitan. May mga magulang na hindi nagsawang tumulong pero syempre tulong tulong pay time sa gawaing bahay. Kahit sino man dyan mayroon tayong maging insperasyon wag lang sa ibang may relasyon dahil baka sa presento na yan aaksyon. Pero, para mas malinaw ganito nalang isipin natin na sa panahong ito, hindi tayo nag-iisa. Hindi man sa bahay, sa paaralan, sa trabaho o sa sitwasyon pero sa puso na lumalaban nag-iisa tayong humahangad sa ating kapayapaan o kaligtasan. Hindi sa kung sino sino huh, sa covid to. Marami ma...

Pang-apat na Entri: Guhit

Image
Yung masakitin kang tao, hindi ka nakakapaglaro ng larong pinoy masyado. Kasi matamlay at madaling mapagod. Oo ako yun, mas sakit akong "Ashma" nahihirapan akong huminga at dahil diyan madalas ako'y makikita sa loob ng bahay. Wla akong magawa sa labas, naisipan kong magsusulat at magbabasa nalang pero hindi sapat.  Naisipan kung magdrawing mula sa imanihasyon ko at pinakita ko kay mama. Sabi niya," Bakit parang aswang?".  Hindi kasi ako marunong kaya laging pinagalitan.  Oo aminin ko, hindi ako mahilig sa pagguguhit noon, pero habang tumagal sa loob ng bahay o sa loob ng paaralan minamaayos kuna hanggang sa naging gusto na nang mga kaklase ko. Lagi nila akong binigyan ng papel hindi na nga ako makakain ng pananghalian dahil sa kanila.  Mula noon, nakita ko na saan ako masaya. Hindi man sa sports pero sa pagdradrawing nsman pala. Hindi masyadong kagalingan pero may buhay naman. At pinagpasalamat ko ito sa Panginoon dahil dito hindi na malungkot ang bu...

Talumpati: Problema'y Rekados Lamang

Image
Problema'y Rekados Lamang Sa mundong ating tinitirhan maraming pagsubok ang sumasalang, problema'y  ating mapagdaanan dahil tayo naman ay makasalan. Minsan pa nga pangarap  natin ay hirap abutin dahil sa problema buhay natin ay tatagin. Oo Rekados! yung pampalasa, anong masasabi mo kapag ang niluto mong ulam walang pampalasa? Diba hindi masarap o hindi narin kaaya aya? Dahil Minsan kailangan natin ng problema upang sa Dios tayo pupunta. Oo aminin ko ha! Minsan nga may problema tayong hindi kayang labanin. Pero alam ninyo may Dios na hindi nang-iwan. Handa syang tumulong kapag tayo ay nangangailangan. Kaya tandaan natin problema'y rekados lamang. Huwag matakot pag asa ay titigan, Dios Ang lapitan dahil ang lahat ng ito'y rekados lamang.

Pangatlong Entri: Ate

Image
Ako ang panganay na anak sa tatlong magkapatid. Ako'y nag-iisang babae sa aming tatlo.  Sabi ng karamihang nakakabatang kapatid ay malamang kapag ate ka. Pagpahahayag pa ng isang bata na ang ate niya ay hindi inuutusan. Tamad raw at gustohin nya nlang maging ate kaysa naging bunso. Galit ang bunso sa nakakatandang kapatid niya dahil laging nag uutos sa kanya. Sa katunayan, bilang ate ay hindi biro. Lalo na't ang magulang nito ay nagtatrabaho sa malayo at uuwi ng gawin aalis ng maaga. Lahat ng responsibilidad ng gawaing bahay ay bilin ng inay. Maging sa pagluluto, paglilinis, pagwawalis, paghuhugas ng plato, paglalaba, pagngangaso, at iba pa. Ang ate rin ang laging pinagalitan kapag may nagawang mali ang kapatid. Kapag nakabasag ng plato ipapalo ito sa kanya. Hindi biro maging ate lalo na't ngayung pandemic. Kaya paumanhin sa mga nagsasabing ang ate ay namumuhay ng matiwasay. Maging magaan lang ang trabaho kapag nagtulong tulongan. Paano kung mas masaklap pa ang ...

rina reyna sa kusina

Image

Pangalawang Entri: Megoy ang aking alagang Pusa

Image
Megoy: Ang aking alagang Pusa Sa mga katulad ko na may alagang pusa, alam kung naaaliw kayo sa kanya. Nagbibigay sila ng maraming benepisyo sa mga tao. Naaaliw sila sa amin at binibigyan kami ng samahan. Si Megoy itong nagpapagaan sa aking malungkot na araw. Kapag nag-iinip ako hanapin ko siya. Tuwing umaga binubuhat ko sya, ako narin nagpapakain sa kanya lagi. Nawawala Ang stress ko kapag buhat buhat ko siya. Siya narin ang libangan ko kapag lubat ang selpon ko. Pinaligoan ko sya minsan para maging mabango. Katuwaan ko ang palitan siya ng damit. Masaya ako sa kanya kasi kalaru ko siya at sa akin siya nagpapansin. Para sa mga nagmamahal ng pusa,  imposibleng manatili sa isang masamang pakiramdam ninyo kapag ang isang mapagmahal ng  pusa ay nariyan sa tabi nyo. Diba kapag ang isang sobrang-malambot na pusa ay nagpuputok laban sa iyong kamay. Bilang karagdagan sa suportang panlipunan, ang lunas sa stress, at pangkalahatang mga benepisyo sa kalusugan ay maaaring dalhi...

Kamustahan

Image
                     Kamustahan! Ang paksa ay tungkol sa karanasang Online Class tuwing kamustahan. Binabahagi nito ang pakikipag-usap sa kapwa mag aaral patungkol sa kanilang kalagayan. Mararananasan mo ring magkwento at magbigay payo sa iyong kapwa kamag-aral. Sa pamagitan ng Online Class Kamustahan, mas makilala natin ang isat-isa upang sa ganun ay magkaroon tayo ng malapitan kakampi. Ang natutunan ko sa paksa ay ang bawat isa ay mahalaga. Malinaw na malinaw sa ating ang kummunikasyon sa ganitong eksena. Nakapagbibigay ito ng lakas loob upang hindi mawalan ng pag asa at matutunan rin nating isaulo na tayo ay mayroong kakampi. Natutunan ko rin na ang kamustahan sa Online Class ay napabilis ang monitoring sa bawat estudyante. Ang kaalamang natutunan ko ay ibahagi natin sa lahat upang may matutunan sila sa atin. Igalang ang saloobin, kakayahan at kahinaan. Sa pamagitan ng kamustahan mapagaan Ang ating kalungkutan at ma...